Thursday, 15 September 2016

San Bartolome


Si San Bartolome ay isa sa Labindalawang Alagad ni Hesus. Kaibigan ni San Felipe si San Bartolome. Ayon sa tradisyon, ipinahayag niya ang mabuting balita sa Ethiopia, India, Persya, at Armenya kung saan siya pinatay sa pamamagitan ng pagpupugot sa kanyang ulo. Walang ibang alagad ang nagpahayag ng paniniwala kay Hesus sa unang pagtatagpo nang gaya kay San Bartolome.
Si San Bartolome ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kasama sa labindalawang alagad ni Hesus. Siya ang kaibigang hinikayat ni Felipe ng Betsaida, para maging isa rin sa mga orihinal na alagad ni Hesukristo. Natanael (Nataniel, Nathaniel, o Nathanael din) ang kaniyang dating pangalan, na anak ni Tal Mai (o Bar Talmai sa Hebreo). Pinaniniwalaang nagmula sa Bar Talmai ang katawagang Bartolome (Bartholomew sa Ingles), na naging bagong pangalan ni Natanael nang maging alagad siya ni Hesus.

Pinagmulan at Pagiging Alagad

Ayon sa mga iskolar, hindi Bartolome kundi Natanael ang pangalan ni San Bartolome. Bagama't nabanggit ang pangalang Natanael sa Ebanghelyo ni San Juan, mababasa naman ang kanyang pangalan sa mga sinoptikong kasulatan kasunod sa pangalan ni San Felipe na kanyang kaibigan. Ito ang nagpakilala sa kanya kay Hesus hanggang sa siya'y maging alagad din.
Kasama si San Bartolome nang magpakita ang Muling Nabuhay na si Kristo at naroon ding nagdarasal sa Pag-akyat ni Hesus sa Langit, at sa Pagpanaog ng Banal na Espiritu Santo upang bendisyunan sa kanilang gagawing pangangaral.

Mga Gawain

Matapos ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit, nangaral ang mga alagad ng mga salita ng Diyos sa tulong ng Espiritu Santo. Nangaral si San Bartolome sa Asya Menor, Ethiopia, India at Armenya.

Kamatayan

Pinaniniwalaang namatay si San Bartolome sa Albanopolis sa Armenya kung saan siya pinugutan ng ulo at ipinako sa krus nang pabaligtad ayon sa utos ni Astyages matapos magingKristiyano ang kapatid nitong si Polymius na Hari ng Armenya.
Inilipat ang kanyang mga labi sa Simbahan ng San Bartolome sa Isla sa Roma. Sinasabing may ebanghelyo ring naisulat si San Bartolome noong sinaunang panahon.
Si Bartolome, na tinatawag ding Natanael ay naging misyonero sa Asya. Nangaral siya sa Turkey at siya ay pinatay dahil sa kanyang pangangaral sa Armenia sa pamamagitan ng pagpalo ng latigo. Si Andres naman ay ipinako sa isang hugis x na krus sa Greece. Pagkatapos na paluin sa katawan ng pitong sundalo, itinali nila ang katawan ni Andres sa krus upang patagalin ang kanyang paghihirap. Isinalaysay ng kanyang mga tagasunod na habang siya'y kinakaladkad patungo sa kanyang krus, sinasabi ni Andres ang ganito "Malaon ko ng hinihintay ang masayang sandaling ito. Ang Krus ay pinabanal ng Panginoong Hesu Kristo ng siya'y mabayubay dito." Nagpatuloy si Andres sa pangangaral sa mga nagpahirap sa kanya sa loob ng dalawang araw hanggang sa bawian siya ng buhay. Ang apostol naman na si Tomas ay sinaksak ng sibat habang siya'y nangangaral sa India sa isa niyang paglalakabay upang magtayo ng iglesia doon. Si Matias naman na pinili ng mga apostol na kapalit ni Hudas ay binato hanggang sa mamatay at pagkatapos ay pinugutan ng ulo. Si Apostol Pablo naman ay pinahirapan at pagkatapos ay pinugutan ng ulo ni Emperor Nero sa Roma noong AD 67. May mga tradisyon tungkol sa kamatayan ng iba pang mga apostol ngunit wala sa kanila ang mapagkakatiwalaan o sinusuportahan ng kasaysayan. 

No comments:

Post a Comment