Thursday, 15 September 2016

San Juan (Talambuhay)

Si San Juan o San Juan Apostol, ay isa sa Labindalawang Alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang tagapagpalaganap ng mga aral ni Hesus sa kanyang ebanghelyo. Kapatid ni San Santiago si San Juan at isa ring mangingisda. Maaaring alagad din siya ni Juan Bautista bago naging apostol ni Hesus. Tinatawag siyang “ang alagad na minamahal ni Hesus.”
Kasama sina San Pedro at San Santiago, nasaksihan nila ang muling pagbuhay ni Hesus sa anak ni Jairus, ang Pagbabagong-anyo ni Kristo, at ang pagdarasal sa Hardin ng Getsemane. Sa kanya inihabilin ni Hesus si Maria nang ipako Siya sa krus. Sa kanya nakapangalan ang ika-apat na ebanghelyo, ang tatlong liham sa Bagong Tipan at ang libro ng Mga Pahayag. Ayon sa mga tala, nanirahan siya sa Ephesus hanggang sa mamatay sa gulang na isang daan.
Si San Juan ang Alagad o San Juan Apostol. Karaniwang inihahambing siya kay Oseas, ang propeta sa Lumang Tipanng Bibliya. Kung si Oseas ang siyang "propeta ng pag-ibig," si San Juan ang Alagad ang tinatawag namang "santo ng pag-ibig."Isa siyang mangingisda, na kapatid ni Santiagong Matanda; mga anak sila ni Zebedeo. Siya ang may-akda ng ikaapat na ebanghelyo, ang Ebanghelyo ni Juan, na nasa Bagong Tipan ng Bibliya, kaya nga kilala rin siya bilang Juan ang Ebanghelista. Bukod sa pagiging Juan ang Banal at Juan ang Teologo, siya rin ang "ang alagad na minamahal niHesus."
Itinuring siyang isang teologo sapagkat may natatanging katayugan ang kaniyang mga naisulat, na may iisang layunin: ang pagpapatunay ng pagiging Diyos ni Hesukristo. Una siyang naging alagad ni Juan Bautista bago napabilang salabindalawang alagad ni Hesus. Siya ang apostol na "humilig sa dibdib ng Panginoon Hesus." Naging kinatawan siya ng mga espirituwal na mga anak ng Birheng Maria. Bukod sa Ebanghelyo ni Juan, si San Juan rin ang kinikilalang sumulat ng Mga Sulat ni Juan at ng Aklat ng Pahayag (o Apokalipsis) na kapwa matatagpuan din sa Bagong Tipan ng Bibliya. Isinulat niya ang kaniyang ebanghelyo noong mga 95 hanggang 100 sa panahon ni Nerva. Ito ay pagkaraang makabalik siya sa Efesomula sa pagkakatapon sa kaniya ni Domiciano sa pulo ng Patmos. Dahil sa pagkakatapong ito sa Patmos, tinatawag din siyang Juan ng Patmos. Sinulat niya ang Aklat ng Pahayag habang nasa pulo ng Patmos noong mga 81 hanggang 96, kaya mas nauna niyang inakdaan ang Aklat ng Pahayag kaysa kaniyang ebanghelyo.
Isang katangian ng kaniyang ebanghelyo ang pagiging kronolohiko o ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at panahon. Sinikap din ni San Juan na mailagay sa Ebanghelyo ni Juan ang mga bagay na hindi mababasa sa ibang mga ebanghelyo ng Bibliya.

Pinagmulan

Mas nakababatang kapatid ni San Santiago si Juan. Si Salome ang kanilang ina at si Zebedeo naman ang kanilang ama. Kaanak ni Salome, tinatawag ding Maria, si Maria na ina ni Hesus.
Ipinagpapalagay na gaya ni Santiago, walang natanggap na pormal na pagsasanay si Juan mula sa mga paaralang Hudyo upang mangaral. Subali't may kaya ang kanilang pamilya dahil sa pagiging mangingisda ni Zebedeo sa Lawa ng Galileo at may mga taong nangingisda para sa kanya. Ordinaryong pamilya silang may ordinaryong edukasyon gaya ng ibang mga Hudyo.
Madalas nilang nakakausap ang mga Griyego na madalas mangisda sa Dagat ng Galileo kaya natutuhan nila ang kanilang wika at pamumuhay.

Pagiging Alagad

Sinasabing naging alagad muna ni Juan Bautista si San Juan bago tinawag ni Hesus. Ayon sa Ebanghelyong kanyang inakda, noong panahong biniyagan ni Juan Bautista si Hesus, nakita Niya ang dalawang magkapatid na sina Simon at Andres, at matapos ay inanyayahan Niyang sundan Siya ng mga ito Galilea. Matapos nito, nakita Niya naman ang magkapatid na sina Santiago at Juan kasama ang kanilang amang si Zebedeo sa isang barko. Nang tawagin Niya ang dalawa, agad din silang tumalima at iniwan ang kanilang mga lambat at ang kanilang ama at sinundan si Kristo.
Ipinagpapalagay na nakausap nila ng kababayan nilang si Pedro kung kaya't naniniwala na silang si Hesus ang Kristo, hanggang sa nakita nila ang mga marka ng kanyang pagiging banal at tinalikuran nila ang lahat para sundan si Hesus.
Walang pag-aalinlangang tumalima ang magkatapid na hinayaan naman ng kanilang amang si Zebedeo. Naging deboto rin ni Hesus ang kanilang inang si Salome.
Kasama siyang nakasaksi sa pagpapalit-anyo ni Hesus, muling pagbuhay sa anak ni Jairus at sa pagdarasal sa Hardin ng Getsamani. Siya ang tanging alagad na nanatili sa paanan ng krus nang ipako si Kristo. Sa kanya inihabilin ni Hesus si Maria nang ipako Siya sa krus hanggang sa pagbaba nito kung saan tinulungan niya si Maria, at matapos ay nilinisan ang katawan ng kanyang mga luha at hinalikan nang may buong pagmamalasakit at pagmamahal.

Mga Gawain

Sa huling paglalakbay patungong Herusalem, lumapit si Salome kay Hesus at sinabi sa Kanya: “Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian” (Mateo 20:21). Nakiayon ang dalawang magkapatid sa nais ng kanilang ina nang hindi nalalaman ang espiritwal na kahulugan ng Kaharian ng Mesiyas, at sa kanilang pagsasabing handa silang uminom sa sarong na pag-iinuman ni Kristo at mabinyagan ng Kanyang paghihirap, sinabi sa kanila ni Hesus na sila rin ay magdurusa.
Matapos ang Pag-akyat sa Langit ni Hesus, nagsimulang magpagaling sina San Juan at San Pedro sa templo. Kinulong sila at pinakawalan sa kundisyong hindi na sila mangangaral ng tungkol kay Kristo. Subali't hindi sila natinag at ipinagpatuloy ang pangangaral. Muling nahuli ng mga Hudyo si Juan at iba pang mga disipulo, at pinagpasakitan sila; at nasiyahan sila sa sakit na naranasan para sa pangalan ni Hesus.
Matagal nanatili si Juan sa Herusalem pero nangangaral din siya sa ibang bansa gaya ng Parthia, Persia, at ibang mga teritoryo sa Asya Menor. Sinasabi ring binuhay ni Juan ang isang patay sa Ephesus noong taong 192. Sa mga pagtugis sa mga Kristiyano noong taong 95, dinakip si Juan ng prokonsulado ng Asiya at pinadala sa Roma kung saan siya itinapon sa kawa ng kumukulong mantika, bilang panlilibak sa sinabing siya rin ay iinom sa sarong ni Kristo. Himalang nakaligtas dito si Juan at ipinatapon siya sa Patmos kung saan nagkaroon siya ng mga pangitain at isinulat niya ang Mga Pahayag o ang Apokalipto.

Kamatayan

Sinasabing isang Linggo noon nang tipunin niya ang kanyang mga mananampalataya sa simbahang itinayo sa kanyang pangalan. Nagdasal siya roon nang buong taimtim at bumaba mula sa kalangitan ang liwanag at binalot ang kanyang paligid, at nang mawala ang liwanag, nawala rin si Juan. Ayon sa mga iskolar, hindi nakaramdam ng sakit ng pagkamatay si Juan.

1 comment:

  1. The Best Casino Slot Machines - JT Hub
    Slot 순천 출장안마 machines are 김포 출장샵 designed to provide the best casino experience in the 춘천 출장샵 United States for the first time in real 부천 출장안마 casino gaming. Learn about the 군산 출장안마 types of

    ReplyDelete